^

Metro

Trader naburyong, nag-amok : 1 patay, 2 kritikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa ang patay, dalawa ang malubhang nasugatan makaraang mag-amok ang isang negosyante na sinasabing naburyong at wa­lang habas na namaril sa loob ng kanyang taha­nan sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Ang biktima na dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente ay kinilalang si Jayson Santos, habang kritikal namang ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Hospital ang mag-amang sina Roland Salvador, 45 at Crenz Harold Salvador na tinamaan ng bala sa  dibdib at katawan.

Agad naman nadakip    ng mga awtoridad ang suspek na si Jaime Palabay, 70, negosyante, dating range officer at dati ring OFW.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng umaga sa Bel-Air St., Jaybee Subd. Brgy. Nangka, Marikina City.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na bigla na lamang nagsisigaw ang suspek sa loob ng kanyang tahanan at armado ng kalibre .45 baril

Habang hawak-hawak ang baril ay naghahamon umano ito ng away at isinisigaw nitong “Gusto ko ng mamatay, barilin ninyo na ako” hanggang sa sunud-sunod na pagbabarilin ang mga biktima.

Nabatid na ang mga biktima ay border ng suspek sa kanyang tahanan kayat iisa lamang ang kanilang tinitirhan.

Sinabi naman ni Senior Supt. Lorenzo Holanday, hepe ng Marikina police, lumilitaw na matinding de­presyon ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang pamamaril.

Sinasabing depress ang suspek dahil sa pagkama-tay ng misis nito noong nakaraang taon na isa sa mga itinuturong dahilan ng pag-aamok nito.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril na kanyang ginamit sa kanyang walang habas na pamamaril.

Patuloy pang iniimbes­tigahan ngayon ng mga tauhan ng Marikina police ang naganap na insidente para mabatid ang tunay na motibo ng krimen.

vuukle comment

MARIKINA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with