^

Metro

5 timbog sa droga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang isang dalaga ang nadakip matapos makumpiskahan ang mga ito ng droga sa magkakahiwalay na anti-drugs operation  ng pulisya sa Las Piñas at Pasay City kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. Jemar D. Modequillo, hepe ng Las Piñas City Police ang mga suspect na sina Bench Raven Bruce “alias Bruce”, 28, taga A1 Durina-Cassava St. ,Golden Acres Subdivision, Annex, Brgy. Talon Uno; Daisy Rafer “alias Madam”, 30, residente ng #29 Marigold St., Manggahan, Brgy. Talon 4; Juancho Medina “alias Jay-Ar”, 31, nakatira sa  Jasmin Cirlce, Vergonville Subdivision, Brgy. Pulang Lupa Dos at Pedro Nanuz “alias Tuko”, 33, ng  Aster St., Dulo, T.S. Cruz Subdivision, Brgy. Almaza Dos, pawang ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Modequillo, si Bruce ay nadakip ng alas-7:30 ng gabi sa Marcos Alvarez, Golden Acres Subdivision, Brgy.Ta-lon; si Rafer ay nadakip sa tinitirhan nito alas-5:15 ng hapon.

Alas-5:45 naman ng hapon nang nadakip si Medina sa tinitirhan nito at si Nanuz naman ay naaresto alas-12:20 ng madaling araw mismo sa bahay nito sa nabanggit na lugar.

Kinilala naman ni Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police ang isa pang suspect na si Philip John Morales “alias PJ”, 23, taga #49-C Antipolo St., Brgy. 10 ng naturang lungsod.

Nabatid, na alas-10:00 ng gabi ng madakip si Morales ng mga pulis mismo sa tinitirhan nito. Nakumpiska sa mga suspect ang mga plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.
Ang mga suspect na nadakip ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with