Kampanya vs illegal drugs pinaigting
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tigilan nyo ‘yan kung ayaw niyong masibak!

Ito naman ang  babala ni Manila Police District Director Chief Supt. Rolando Nana sa mga pulis Maynila na posibleng sangkot sa   bentahan ng  iligal na droga sa Maynila at ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Nana, agad niyang ipasisibak ang mga pulis  na masasangkot sa usa­pin ng  droga lalo na’t mahigpit ngayon ang  kampanya ng  Philippine National Police at ng  city government  laban dito.

Aminado si Nana na may mga pulis  Maynila na sangkot sa ipinagbabawal na gamot subalit hindi lamang   natitiyempuhan ng  kanilang mga kabaro. Subalit sakaling magkrus ang kanilang landas, tiniyak  ng opisyal na mawawala  ito sa serbsiyo.

Nabatid pa kay Na-na na may ipinakalat na siyang mga tauhan sa mga barangay upang matukoy  ang mga pulis  at maging ang bara-ngay officials na posib­leng protector ng illegal drugs sa lugar.

Bagama’t ang ba­rangay ang siyang dapat na nakakapagmonitor  ng mga  galaw ng kanyang mga constituents, may mga barangay officials din ang sangkot sa droga na tinatrabaho rin ng kapulisan.

PILIPINAS GOT TALENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with