^

Metro

Aberya sa VCM, agad na naremedyuhan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kasagsagan ng botohan ilang Vote Counting Machine (VCM) ang nagkaaber-ya sa ilang polling precinct sa lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Makati at isa namang flying voter ang nadakip sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Sa area ng Pasay City, ayon sa report na natanggap ni Sr. Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police,  alas-7:35 ng umaga nang magka-aberya ang VCM  sa Cuneta Elementary School na matatagpuan sa Park  Ave­nue Barangay 75, Zone 10 ng nasabing lungsod.

Kaagad namang ini-report sa Commission on Election (COMELEC) ang nagkaa-beryang VCM, na nasa precinct 75 at makalipas ang dalawang oras ay napalitan naman ito. Bandang alas-10:00 na ng umaga nang muling buksan ang presinto  sa mga botante.

Ayon kay Doria, nasa 821 na  mga  pulis ang nakakalat  sa buong lungsod at katuwang nila ang 54 miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbibigay ng seguridad at todo bantay sa mga polling precinct.

Nabatid, na 75 inmates na pawang kalalakihan at  16 kababaihang inmates ang bumuto sa loob ng Pasay City Jail (PCJ).

 Sa area naman ng Mun­tinlupa City, alas-6:40 ng uma­ga ay nagkaaberya din ang VCM sa may Muntinlupa National High School, Brgy. Poblacion  ng naturang lungsod.

Hindi nabasa ng VCM ang binoto ng apat na botante at halos anim na oras na-delay ang botohan sa naturang polling precinct.

Alas-12:35 ng tanghali muling itinuloy ang botohan sa naturang paaralan.

Sa 11 polling precinct, isa lamang dito ang nagkaroon ng aberya at ito ay sa area ng Muntinlupa National High School. Napag-alaman na 1,887 preso ng New Bilibid Prison (NBP) sa naturang lungsod ang bumoto kahapon.

Samantala, sa lungsod ng Parañaque, isang babaeng  flying voter ang dinakip sa Brgy. Don Bosco ng naturang siyudad.

Sa area naman ng Makati City, nagkaroon din ng aber­ya ang ilang VCM sa ilang polling precinct at naasar ang ilang botante dahil nawawala ang kanilang mga pangalan.

Nagkaroon ng aberya ang VCM sa ilang polling precinct  sa San Lorenzo Village at nawawala naman ang pangalan ng ilang botante sa Maximo  Estrella Elementary School.

Kinulang naman ang ballot secrecy folder para sa mga senior citizens at PWDs sa  Pio Del Pilar high School, na ikinaasar ng mga botante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with