Taas presyo naman sa petrolyo
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matapos ang sunud-su-nod na rollback, malungkot na balita para sa mga motorista, dahil nagpatupad naman ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito ng Martes (Pebrero 2).

Ang oil price hike ay pina­ngunahan ng Pilipinas Shell na epektibo ito ng alas-6:00 ng umaga.

Sa abiso ng Pilipinas Shell kahapon, tumaas ang presyo ng kanilang gasoline, na nasa P0.45 kada litro; P1.05 sa diesel o krudo at P1.20 sa kerosene.

Ayon kay Ina Soriano, ng Pilipinas Shell ang naturang “oil price hike” ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa world market.

Asahang, mag-aanunsiyo na rin ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang iba pang kompanya ng langis na may kahalintulad na halaga.

Nabatid na noong Disyembre 1, 2015 ay huling nagpatupad ng oil price hike ang mga  kompanya ng langis.

 Noon namang nakaraang mga linggo ay nagpatupad ng sunud-sunod na rollback ang mga oil company at huli nitong Enero 26 ng taong kasalukuyan.

 

ACIRC ANG ASAHANG AYON DISYEMBRE ENERO INA SORIANO MATAPOS NABATID PEBRERO PILIPINAS SHELL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with