^

Metro

Tenement sagot sa squatting -- Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tenement, vertical housing o bliss.

Ito naman ang binigyan-diin ni  Manila Vice Mayor Isko Mo­reno Domagoso  na kanyang isusulong sa Senado sakaling mahalal siya bilang senador  sa Mayo.

Ayon kay Domagoso, ito ang kanyang nakikitang solusyon  upang hindi na dalhin sa iba’t ibang lugar o irelocate sa kalapit lalawigan ang mga squatters. Hindi aniya maikakaila na talamak ang   problema ng  squatters sa iba’t ibang  lungsod.

Paliwanag ni Domagoso, maaaring magpatayo ng tenement, vertical housing o bliss ang city government sa mga lupang  pag-aari ng lungsod upang hindi na malayo pa ang squatters sa kanilang mga trabaho o  hanap-buhay.

Hindi na rin mangangamba pa ang squatters na maapek­tuhan ang kanilang pag-aaral dahil malapit na lamang ang ka­nilang mga eskuwalahan. Ito ang kadalasang mga dahilan ng mga squatters kung kaya’t  matigas ang  pagtanggi ng mga ito na madala  sa relocation site.

Dagdag pa ni Domagoso, kailangan na solusyunan ang problema sa squatters dahil responsibilidad din ng pamahalaan na maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga ito.

ACIRC

ANG

AYON

DAGDAG

DOMAGOSO

ITO

MANILA VICE MAYOR ISKO MO

MGA

NBSP

PALIWANAG

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with