^

Metro

Serbisyo ‘excellent’: Taguig City panalo vs red tape

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkamit ng pina­kamataas na grado sa survey ng Civil Ser­vice Commission (CSC) ang pamahalaang lungsod ng Taguig kaugnay nang kampanya kontra katiwalian o “red tape”.

Base sa Anti-Red Tape (ARTA) Report Card, nabatid na nakamit ng Taguig City government ang 92.31 percent na grado o katumbas ng “excellent”.

Ang gradong nakamit ngayon ng pamahalaang lungsod ay mas mataas kumpara noong 2013, bunsod na rin nang pagtalima sa Anti-Red Tape measures.

Kabilang dito ang anti-fixer campaign, pagsusuot ng ID o nameplate ng mga empleyado, no hidden cost, no lunch break policy, frontline service provider, kalidad ng serbisyo at ang pagkakaroon ng panguna­hing mga pasilidad.

Nasukat sa survey ang pagtalima ng mga lokal na pamahalaan sa ARTA provisions gayundin ang overall satisfaction ng mga kliyente.

Kung saan ang 92.31% na grado ay binubuo ng mga pasadong marka sa lahat ng katanungang ibinigay ng CSC.

Nabatid, na ang naturang survey na isinagawa ng CSC noong Agosto 11 hanggang 13, 2015 ay isinapubliko nito lamang Enero matapos ang masusing pag-aaral.

Nagpahayag naman ng labis na kasiyahan si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa pagkilalang natanggap mula sa CSC.

“Hindi po kami hihinto sa pagkakaloob ng mahusay na serbisyo publiko. Asahan po ninyo na patuloy naming pagbubutihin ang mga serbisyo na aming ibinibigay,”  ani  Mayor Lani.

Kinuha ng CSC ang mga datos sa pama­magitan ng biglaang pag-inspeksyon sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng kanilang survey teams. Doon, nagsagawa ang survey teams ng mga interview sa mga kliyente ng pamahalaang lungsod na kumukuha ng iba’t ibang serbisyo tulad ng regis­tration ng negosyo at pagpapa-renew ng business permit; pagkuha ng Mayor’s permit; pagkuha ng locational clearance; building permit, at iba’t ibang mga clearance na kailangan ng mga magta-trabaho.

Sa 46 na lungsod kung saan ginawa ang suvey, 11 porsyento lamang nito ang nagkaroon ng “Excellent” na grado, 78 porsyento ang nakakuha ng “Good,” siyam na porsyento ang may “Acceptable” at dala­wang porsiyento ang nakakuha ng “Failed” o bagsak na grado.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANTI-RED TAPE

ASAHAN

CIVIL SER

MAYOR LANI

MGA

REPORT CARD

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY MAYOR LANI CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with