^

Metro

Gunrunner tiklo sa buy-bust

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang hinihinalang gunrunner sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na si Michael Robles, 34, ng Block 4,Sawata St., Brgy. 35 ng naturang lungsod.

Nabatid, na nagsagawa ng isang linggong surveillance ang Northern Police District Special Operations Unit (NPD-SOU) laban sa suspek.

Alas-11:00 ng gabi ay naglunsad ng buy-bust ope­ration ang mga pulis  sa naturang lugar gamit ang halagang P2,500 marked money para bumili ng isang homemade .38 caliber revolver at 11 pirasong bala nito na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 26 under R.A. 10591 (unauthorized sell of firearm and ammunition) at paglabag sa Omnibus Election Code.

 

ACIRC

ANG

ARESTADO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

MICHAEL ROBLES

NABATID

NORTHERN POLICE DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

OMNIBUS ELECTION CODE

SAWATA ST.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with