1 pa sa ‘holdap-ransom’ sa iskul, sumuko
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Lumutang na rin ang ikalawang suspek sa ‘pagdukot sa isang estudyante ng La Salle Greenhills at itinuro ang mismong tiyahin ng biktima na siyang utak umano ng krimen.

Ayon kay P/Inspector Roberto Garcia, hepe ng Pasig Police Criminal Investigation, kusang loob na sumuko ang suspek na si Billy Joe Pantol, 26, construction helper, at residente ng Brgy. Bambang, kasunod nang pag-uutos ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Elmer Jamias nang paglulunsad ng isang malawakang manhunt ope­ration laban sa kanya.

Dakong ala-1:30 ng hapon kahapon nang magtungo sa tang­gapan ni Jamias sa EPD headquarters si Pantol, ka­sama si Brgy. Chairman Reynaldo Samson, ng Bambang, Pasig City at kanyang abogadong si Atty. Tristan Reyes.

Inamin nito sa pulisya ang naging papel niya sa pagkidnap sa 12-anyos na grade 8 student ng nabanggit na paaralan.

Gayunman, ayon kay Pantol, ang tiyahin ng biktima na si Annalyn Perez ang siya umanong utak ng krimen.

Sinabi ni Pantol, una siyang inalok ng trabaho sa konstruksiyon ni Perez kaya’t pumayag siya lalo na’t matagal na niya itong kaibigan ngu­nit malaunan ay nauwi sa pag­kidnap at panghihingi ng ransom ang kanilang usapan. Ani Pantol, nakapasok siya sa parking lot ng paaralan nang hindi lumalagda sa logbook dahil nakasakay na siya sa sasakyang minamaneho ni Perez.

Isang matigas na bagay na nakabalot sa damit at kunwari ay baril ang ginamit nila para palabasin sa biktima na hinuholdap nila ito.

Sinabi ni Pantol na natakot siya kaya’t hindi kaagad siya nakasuko sa mga awtoridad.

Sina Pantol at Perez ay nahaharap na sa kasong Rob­bery Extortion in relation to Republic Act 7610 o Anti­-Child Abuse Law at nakade­tine sa Pasig City Police.

Matatandaang sinundo ni Perez sa paaralan ang pa­mangking biktima dakong alas-2:15 ng hapon noong Dis­yembre 6, ngunit pagsakay nito ay isang lalaki rin ang biglang sumakay sa kanilang Toyota Vios at nagdeklara ng holdap. Ang naturang lalaki ay natukoy na si Pantol.

Tinawagan naman ni Pe­rez ang ama ng bata na hi­ningan ng pera na noong una ay P100,000 ngunit nagkatawaran at malaunan ay nagkasundo sa halagang P40,000.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng pamunuan ng La Salle Greenhills na ginagawa nila ang lahat para mapangalagaan ang lahat ng kanilang mga estudyante.

Nire-review na rin nila ang kanilang security protocol para lalo pa itong mapalakas at higit na maging epektibo para makatiyak sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.

“The school administration would like to assure the LSGH community that the school is implementing all necessary precautions to continuously ensure the safety and security of everyone, most specially the students, when they are inside the school premises,” ani LSGH President Bro. Victor A. Franco, FSC.

ACIRC ANG ANI PANTOL ANNALYN PEREZ BAMBANG BILLY JOE PANTOL BRGY LA SALLE GREENHILLS PANTOL PEREZ SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with