Alaskador tinodas ng vendor

MANILA, Philippines – Patay ang isang vendor matapos itong saksakin ng kapwa nito vendor dahil nagalit ang suspek sa pagiging alaskador ng biktima kahapon sa Makati City.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Miguelito Ancolax, 51, nakatira sa #111-M, 8th Avenue Extension, Barangay East Rembo na nagtamo ito ng mga saksak sa katawan.

Nakakulong naman sa Makati City Police ang suspek na si Jonathan Dado, 38, tubong Capulang, Catbalogan, Samar, walang permanenteng tirahan sa Maynila.

Lumalabas sa imbesti­gasyon nina SP03 Noel Par­dinas at SPO2 Rico Cara­mat, ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente alas-8:00 ng umaga sa 8th Ave. Extension, Barangay East Rembo ng naturang lungsod.

Nabatid na kapwa vendor ang biktima at suspek sa C-5 Road, kung saan parating inaasar at binibiro ni Ancolax si Dado.

Dahil dito, napikon at na­galit ang suspek sa pagiging alaskador ng biktima hanggang sa nagpang-abot ang dalawa.

Binunot ng suspek ang  dala nitong patalim at inunda-yan ng ilang saksak si Ancolax.

Kaagad na dinala ng kanyang mga kaanak ang biktima sa naturang ospital, subalit hindi na ito nakara-ting ng buhay.

Ang suspek naman ay nadakip ng rumispondeng mga barangay tanod at dinala sa presinto kung saan sinampahan na ng kasong pagpatay.

Show comments