^

Metro

Elliptical Road, 21 araw isasara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang lalo pang titindi ang mabigat na trapiko sa bisinidad ng Quezon City Hall dahil sa pagsasara ng ilang parte ng Elliptical Road sa loob ng 21 araw upang bigyang daan ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Noemi Recio, pinuno ng Traffic Enginee­ring Center ng Metropolitan Manila Development Agency (MMDA), nitong Setyembre pa inumpisahan ang “drai­nage system project” na itutuloy ngayong Oktubre ng DPWH.

Wala pa naman umanong ipinadadalang pinal na “timeline” ang DPWH kaya hindi pa mabatid kung kailan uumpisahan ang pagsasara sa kalsada. Nakapaloob sa proyekto ang pagkakabit ng 300-metrong pipeline mula Kalayaan Avenue hanggang sa isang creek sa Quezon Avenue.

Nahaharangan naman ang drainage project ng linya ng PLDT kaya kailangang mai-realign ang pipeline para maiwasan ang linya ng kumpanya ng telepono.

Sa oras na matapos, ina­asahan na masosolusyunan ng drainage project ang ma­tinding pagbabaha sa Elliptical Road at sa mga karatig na kalsada sa naturang lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ELLIPTICAL ROAD

INAASAHANG

KALAYAAN AVENUE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AGENCY

NOEMI RECIO

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY HALL

TRAFFIC ENGINEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with