2 most wanted na holdaper, timbog sa Marikina

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga awtoridad ang dalawang kilabot at most wanted na holdaper sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Unang nadakip ng mga tauhan ng Marikina police ang suspek na si Enrico Paquinto, na nakatira sa East Drive St., Barangay Fortune, Marikina City.

Nadakip si Paquinto dakong alas-9:00 ng umaga dahil sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Armando Velasco ng Marikina RTC Branch 263 dahil sa kasong robbery.

Ikalawang nadakip ang suspek na si Paulo Castillo, nasa hustong gulang na nakatira sa Bayan Bayanan Ave, Concepcion Uno sa lungsod.

Si Castillo ay dinakip ng mga awtoridad dakong alas-10:00 ng umaga sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni Judge Romeo Dizon ng Marikina RTC branch 273 dahil din sa kasong robbery.

Ang dalawa ay sinasabing most wanted na holdaper na nag-o-operate sa Marikina City at bahagi ng Rizal.

Show comments