^

Parak dedo sa ambush

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Isang pulis na nakatalaga sa Special Weapons and Tactic (SWAT) ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na naganap sa  Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Tatlong tama ng bala sa batok at iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si PO1 Carlito Reguiere, 37, nakatalaga sa Mandaluyong City police at nakatira sa Lanzones St., Block 37, Welferville compound, sa lungsod.

Sa ulat ni SPO2 Edmundo Fabella, may hawak ng kaso, nabatid na ang krimen ay naganap dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Block 40 Brgy.Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa report, ang biktima ay papasakay sa kanyang motorsiklo (VU-3061) nang   pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Hinala ni Josephine, asawa ng biktima na may kinalaman sa trabaho ng kanyang mister ang ginawang pamamaslang dito.

Ayon naman sa mga opis­yal ng barangay sa lugar, na­rinig na lamang nila ang sunud-sunod na putok ng baril kaya mabilis silang nagresponde pero nakabulagta na sa kalsada ang biktima noong datnan nila ito.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng krimen at malaman ang pagkakakilanlan ng salarin.

ACIRC ADDITION HILLS ANG AYON BRGY CARLITO REGUIERE EDMUNDO FABELLA HINALA LANZONES ST. MANDALUYONG CITY SPECIAL WEAPONS AND TACTIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with