Dahil sa tumataas na insidente ng karnap PNP nagbabala sa roadside parking
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dahil sa tumataas na i­nsidente ng carnapping, nagbabala ang Philippine National Police (PNP) kontra sa roadside parking na lumilitaw na siyang pangunahing sanhi ng pagsasamantala ng mga karnapper partikular na sa Metro Manila.

Kasabay nito, pinayuhan ni PNP Chief P/Director General Ricardo Marquez ang publiko na huwag iparada ang kanilang mga behikulo sa mga tabi ng kalsada para  makaiwas na mabiktima ng mga guma-galang karnaper.

Sa tala ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP  mula Enero hanggang Setyembre 6 ng taong ito karamihan ng mga naganap na kaso ng carnapping ay nangyari sa mga kalsada na nasa 44% mula sa kabuuang naitalang 214 insidente.

Samantalang sa mga residential areas ay nasa 29 % ang nairekord o nasa 140 kaso ng carnapping.

Ayon pa sa tala, nasa 54 % o 265 kaso ng carnapping ay iniulat na nakaparada sa mga kalye sa harapan ng mga  tahanan ng mga may-ari nito mula sa kabuuang 489 iniulat na kaso at ang iba naman ay puwersahang tinangay.

Sa rekord, nangunguna ang Quezon City sa may pinakamaraming  naireport na insidente ng carnapping sa bilang na 213 kaso; pa-ngalawa ang Eastern Police District, 88; Northern Police District, 72; Manila Police District (MPD) 59 at 57 kaso naman ang hawak ng Sou-thern Police District (SPD).

Samantalang kapunapuna rin na sa 64 % ng mga kaso ng carnapping ay nang­yayari sa pagitan ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga.

ACIRC ANG CHIEF P DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ EASTERN POLICE DISTRICT INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT KASO MANILA POLICE DISTRICT METRO MANILA MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with