2 holdaper utas sa shootout sa QC

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang holdaper ang nasawi ngayong Biyernes matapos makaengkwentro ng mga awtoridad sa lungod ng Quezon.

Sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek na tinakasan ang checkpoint sa Barangay Lagro sa harap ng San Lorenzo Hospital bandang 12:45 ng madaling araw.

Unang namaril ang nakaangkas na suspek habang hinabahol sila ng mga pulis.

Napilitan na rin magpaputok ang mga awtoridad na ikinasawi ng dalawa.

Bago mangyari ang engkwentro ay isang Kimberly Azano ang hinoldap ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Timog Avenue cor. Quezon Avenue bandang alas-12 ng hatinggabi.

Kaagad idinulog sa pulisya ni Azano ang insidente.

Positibong kinilala ng biktima ang dalawang suspek.

Lumabas din sa imbestigasyon na galing sa nakaw ang ginamit na motorsiklo ng mga suspek.

 

Show comments