Beybi dinukot, hinostage ng adik

MANILA, Philippines - Isang 9-na buwang beybi ang dinukot at saka hinostage ng isang adik kahapon ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Sa ulat, dakong alas-12:02 ng madaling araw nang madatnan ng mga tauhan ng MPD station 2 ang eksena kung saan hawak ng suspect na si Rommie  ang beybi na si Ian Dennesson, 9-na buwan habang nakatutok dito ang isang gunting at nagbantang sasak­sakin sakaling lumapit ang ina nito na si Jesselyn Buenavidez, 38.

Naganap ang insidente sa panulukan ng Juan Nolasco at Morga Sts., Tondo. Una rito, natutulog ang mag-ina sa kalye nang ma­gulat si Jesselyn sa iyak ng anak at nakitang kinukuha ito ng suspek na armado ng gunting.

Pumalag ang ina ng bata hanggang sa tuluyan nang i-hostage ng suspect ang biktima. Dali-dali naman itong itinawag ng mga nakasaksi sa police station kaya mabilis na narespondehan.

Nang dumating ang mga pulis, mistulang nahimasmasan ang suspect  at agad na sumuko sa  rumespondeng sina  P02 Ceazar Centeno at P02  Mark Lester Ong.

Ayon sa pulisya tinangka ng suspect na dukutin ang beybi para ibenta upang umano’y upang may maipambili ito ng illegal na droga.

Show comments