Driver tinodas sa loob ng pinapasadang taxi

Ang labi ng taxi driver na si Arturo Pascual na natagpuang patay sa loob ng kanyang ipinapasadang taxi kahapon sa Malate, Manila. Edd Gumban

MANILA, Philippines – Karumal-dumal ang sinapit ng isang taxi driver matapos na matagpuan ang bangkay nito sa loob mismo ng  minamanehong taxi, kahapon ng umaga sa San Pascual St., Malate, Maynila.

May tali sa bibig, nakabalot ng packing tape ang mukha, nakagapos ang mga kamay at paa ng biktimang si Arturo Amascual, 67, ng Oro-B, Sta. Ana, Manila nang makita sa driver’s seat.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng MPD – Homicide Section, alas-6:30 ng umaga nang makita sa loob mismo ng kanyang ipinapasadang KEN taxi  (UYE-361) ang  bangkay ni Amascual.

Sa salaysay ni Francisco Suzara, 64, karelyebo ng biktima, nagtataka siya kung bakit alas-4:00 na ng umaga ay hindi pa bumabalik sa kanilang ga­rahe sa Makati City si Amascual. Dalawamput-apat na oras ang kanilang palitan.

Dahil tanghali na, itsinek nila sa GPS kung nasaan ang unit at sa pamamagitan ng GPS device ay natukoy nila ang taxi na nasa  kanto ng San Pascual at Pres. Quirino Avenue.

Pagpunta sa lugar, doon na­kita ang biktima ang wala nang buhay na biktima.

Nakita naman sa  closed circuit television camera (CCTV) sa lugar, ang paglabas  sa  taxi ng  tatlong lalaki.

Nagsasagawa naman ng  follow up investigation ang pulisya upang matukoy ang  mga suspek at motibo ng pamamaslang. 

Show comments