18 anyos na bugaw kinasuhan

MANILA, Philippines - Isang 18 anyos na tinedyer ang kinasuhan dahil sa umano’y pambubugaw niya sa tatlong babae kabilang na ang dalawang menor-de- edad.

Nilabag umano ng suspejk na si Patrick Kelly Gabieta ang expanded anti-human trafficking­ act of 2012.

Nadakip sa isang entrapment operation ng Manila Police District Anti-Human Trafficking Task Force noong Miyerkules si Gabieta na kilala ng kanyang mga kliyente sa pangalang Kelly.

Ang mga babae na may edad na 14 at 15 anyos ay nasagip ng mga awtoridad sa tulong ng Department of Justice at ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Ayon sa MPD, isinagawa ang entrapment operation kasama ng mga IACAT undercover agent na nagpanggap na mga kustomer na naghahanap ng menor- de-edad.

Isinagawa ang transaksiyon sa isang convenience store sa Pedro Gil, Manila noong Marso 29. Pagkatapos magkaroon ng kasunduan, tinext ni Gabieta ang mga babae na lumitaw sa harapan ng isang college building. Walang malay ang suspek na minamanmanan siya ng mga undercover cops at ng mga IACAT agent nang tanggapin niya ang pera hanggang ma­aresto siya.

Dinala naman sa women’s desk at protection program ang nasagip na mga babae. (Aie Balagtas See)

Show comments