Rollback sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito, Marso 24.

Ang bawas presyo ay pi­na­ngunahan ng Pilipinas Shell at epektibo ito ala-1:00 ng ma­daling-araw.

Nabatid na bumaba ang presyo ng gas na nasa P1.10 kada litro; ang krudo o diesel ay nasa P0.95 kada litro at ang kerosene naman ay nasa P0.90 kada litro.

Asahang magpapatupad na rin ng bawas presyo ng kanilang produkto ang iba pang oil companies sa kahalintulad na halaga. Ang bawas presyo ay bunsod nang paggalaw at paiba-ibang pres­yuhan ng langis sa world market.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo ng kanilang mga produkto ang ilang oil companies.

Show comments