Humiga sa riles kelot gutay-gutay sa tren

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng isang hindi pa kilalang lalaki nang humiga sa riles eksakto sa papara­ting na tren, matapos itong mag-‘sign of the cross’ sa bahagi ng Tondo, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

 Ang biktima ay inilarawan sa edad na 30-35, nakasuot ng t-shirt at maong pants.

Sa ulat na tinanggap ni   Supt. Jose Villanueva, hepe ng Manila Police District- Station­ 7, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa riles ng Philippine National Railways (PNR)   sa  may Yuseco  St., Tondo.

Sinabi umano ng crossing keeper na si Eric Zaragosa, 35, na nakita niya ang na­sabing lalaki na nakatayo lamang sa tabi ng riles at bigla na lamang tumalon at humiga habang papalapit na ang tren matapos itong mag-antanda. Nabatid na pa south-bound ang nasabing PNR train na may biyaheng Alabang.

Naniniwala ang mga nakakita na sinadya umano ang pagpapasagasa o pagpapakamatay nito.

 

Show comments