Sekyu tinarakan ng kabaro, dedo

MANILA, Philippines - Isang security guard ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kabaro sa gitna ng kanilang alitan sa binabantayan nilang gusali sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ni SPO1 Joe Gagaza, imbestigador, ang biktima na nakilala sa pama­magitan ng nakuhang SSS identification card  sa kanyang pitaka ay si Reynaldo Valdez, 49,  ng Banahaw St., Amparo Subdivision, Caloocan City.

Patuloy namang inaalam ni Gagaza ang pagkakakilanlan sa suspect na naka-uniporme pa nang tumakas matapos ang krimen.

Nangyari ang insidente sa  ground floor ng NSN Building na matatagpuan sa Susano Road, Nova Proper, Nova­liches, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Ayon sa ilang testigo, una nilang nakita ang biktima at suspect na nagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang huli at inundayan ng mga saksak sa katawan ang biktima­.

Pagkatapos nito ay mabilis na tumakas ang salarin. Pa­tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

Show comments