MPD handa sa pista ng Itim na Nazareno, Papal Visit

MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang Pista ng Itim na Naza­reno at pagbisita ng Santo Papa, tiniyak naman ni Manila Police District Director  Sr. Supt. Rolando Nana na handa ang kanyang mga tauhan para sa kaayusan ng dalawang event.

Ayon kay Nana, halos­ araw-araw na rin ang ka­nilang conference maging­ ng Philippine National Police upang masiguro na sapat ang mga itatalagang  pulis sa bawat lugar na pag­darausan ng misa sa Black Nazarene gayundin ng mga lugar na bibisitahin at pagmimisahan ni Pope Francis.

Sa katunayan ay nagsisimula na niyang ialerto ang mga pulis bilang augmentation sa mga itatala­gang pulis sa Quiapo, Sta. Cruz, Lawton at Luneta.

Gayunman, isasagawa ang final coordinating conference para sa Pista ng Quiapo ngayon habang ang sa Papal visit naman ay hawak ng national task force.

Sinabi ni Nana na karangalan at hindi isang ha­mon ang kanilang tungkulin sa pagbibigay ng seguridad sa Nazareno at Santo Papa.

Mapalad aniya ang lung­­sod ng Maynila dahil isa lamang ito sa mga lugar na personal na pupunta­han ng Santo Papa.

Show comments