Onsehan sa droga, lalaki tinodas

MANILA, Philippines – Onsehan sa droga ang tinitignang motibo ng mga awtoridad sa pamamaslang sa isang 27-anyos na lalaki na binaril nang malapitan, kama­kalawa ng  gabi  sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Juharis Angas Kasan, tubong Maguindanao sanhi ng tinamong  isang  tama ng bala  ng baril sa ulo.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya upang matukoy ang nakatakas na suspek.

Lumilitaw sa ulat ni  SPO4 Jona­than Bautista, naganap ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi sa panulukan ng Asuncion at Zaragosa Sts. sa Tondo habang nakaupo sa pina­pasadang tricycle si Kasan.

Inakala ng biktima na pasahero ang suspek  kaya’t hindi na  ito tu­makbo, gayunman agad itong tinutukan ng baril at malapitang binaril sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Malaki ang paniwala ng pulisya na  may kinalaman sa droga ang pamamaslang lalo pa’t ang lugar umano ay sinasabing bagsakan ng illegal drugs.

Show comments