500 pamilya nasunugan

Puspusan ang ginagawang pag-apula ng mga bumbero sa apoy na tumupok sa mga bahay sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila. (Kuha  ni EDD GUMBAN)  

MANILA, Philippines - Umaabot sa  500 pamilya na mga  informal settlers sa gilid ng Manila City Jail, sa Oroquieta st., panulukan ng Doroteo Jose, sa Sta. Cruz, Maynila, ang  nawalan ng tirahan matapos na masunog ang kanilang mga  bahay   kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Fire District chief Supt. Jaime Ramirez, nagsimula ang sunog dakong alas-5:12 ng umaga dahil sa faulty wiring at may sumabog mula sa isang maliit na printing press sa Brgy. 312.

Nakadagdag pa sa mabilis na pagsiklab ng  apoy ang  mga  kahoy na gamit sa barung-barong.

Umabot sa Task Force Charlie ang sunog dahil nahirapan ang mga bumbero na makalapit sa lugar na hindi madaanan dahil sa road repair.

Idineklarang fire under­ control  alas 7:00 ng umaga at fire-out na ito pagsapit ng alas 7:32 ng umaga.

Nabatid na  Disyembre 10, 2010 nang ma­sunog din ang mga ka­bahayan sa na­sabing lugar.

Samantala, baga­ma’t ikinalungkot ni Manila Vice Mayor Isko Moreno  ang nangyari, tiniyak nito na maka­aasa ng sapat na tulong ang mga nasu­nugan.

Inatasan na rin niya ang  Manila Social Welfare Department na alamin ang panguna­hing kailangan ng mga nasunugan at bilang ng mga  indibiduwal.

Pinayuhan din ng bise alkalde ang mga  Manilenyo na maging maingat upang maiwasan ang sakunang tulad nito.

Show comments