Sanggol nailigtas mula sa mandurukot

MANILA, Philippines – Naibalik sa kanyang ina ang isang tatlong-linggong sanggol matapos dukutin ng isang suspek sa lunsod ng Maynila ngayong Lunes.

Nasakote ng mga awtordidad ang hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Lawton.

Pinaniniwalaang miyembro ang suspek ng isang sindikatong gumagamit ng mga bata upang mamalimos.

Inagaw ng suspek ang saggol sa natutulog niyang ina sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard bandang alas-3 ng umaga.

Show comments