Mister nagbigti sa hirap
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Mas pinili ng isang mister na takasan na lamang ang hirap at responsibilidad sa kanyang pamilya makaraang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbi­bigti, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Isinugod pa sa San Lorenzo Ruiz Hospital ngunit idineklara nang patay ang biktimang si Richard Ramos, 34, ng MH Del Pilar St., Santolan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 kama­kalawa ng gabi nang ma­diskubre ng kanyang anak na si Charlene ang nakabigting si Ramos sa loob ng kanilang bahay.  Gumamit si Ramos ng kable ng telepono sa pag­bibigti.

Agad namang humi­ngi ng tulong sa mga kapitbahay si Charlene upang makalag ang kable sa pagkakatali at isinugod ang ama sa pagamutan.

Nakuha naman sa kuwarto ang isang suicide note na nakasulat sa laptop computer na humihingi ng kapatawaran si Ramos sa pa­milya at nagawa lamang umano niya ito dahil sa kakapusan ng kanilang pamilya sa pera. Inilabas din nito ang hinaing sa mga kaanak ng kanyang asawa dahil sa hindi umano pagtulong sa kanila.

Bineberepika naman ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

BINEBEREPIKA CHARLENE DEL PILAR ST. GUMAMIT INILABAS MALABON CITY RAMOS RICHARD RAMOS SAN LORENZO RUIZ HOSPITAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with