1-anyos hinalay na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Isang taong gulang na batang babae ang natagpuan patay at hinihinalang  hinalay pa sa ilalim ng naka-park na jeepney sa may Don Ejercito St., Brgy. Tibagan San Juan City.

Ayon sa jeepney driver na si Efren Martinez dakong alas- 8 ng umaga habang nili­linis niya ang kanyang jeep nang matuklasan sa ilalim ang patay na beybi.

Base sa CCTV camera sa isang bahay sa lugar alas-3:17 ng madaling-araw nang makita ang isang la­laking nakasuot ng puting t-shirt maong na short na nag­lalakad  sa lugar karga ang beybi na noon ay buhay­ pa.

Ayon pa sa ulat hinihinalang hinalay pa ang beybi dahil sa nakitang lacerations sa kanyang ari, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito at kung ano ang ikinamatay ng bata. Wala namang nakitang external­ wound sa biktima.

Show comments