^

Metro

3 pulis inireklamo sa hulidap

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong pulis ng Manila Police District ang iniimbestigahan ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ma­tapos na ireklamo ng isang  lalaki na umano’y kanilang  ‘hinulidap’ sa Malate, Maynila kaha­pon ng umaga.

Ayon kay  Jayson Villarin, 34, sinita siya ng mga pulis kasama ang  isang sibilyan habang nagbibisikleta sa Lopez St., Malate dakong alas-5:30 ng umaga. Isa sa mga pulis ay nakilalang si PO3 Abenoja.

Pinalo siya ng posas sa ulo, binugbog  at pilit na ipinalalabas  ang  umano’y shabu. Nang sabihin ni Villarin na wala siyang dalang  sha­bu, kinuha na lamang ng  mga pulis at sibilyan ang kaniyang cellphone at P200.

Upang hindi  makahabol, hinubaran siya sapatos at damit ng mga suspek. May nagdala umano sa kaniya sa Philippine General Hospital (PGH) upang  ipagamot.

 

ABENOJA

AYON

GENERAL ASSIGNMENT

INVESTIGATION SECTION

ISA

JAYSON VILLARIN

LOPEZ ST.

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with