Tsinoy nag-suicide dahil sa kahirapan

MANILA, Philippines - Sanhi ng  kahirapan, nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili ang isang  49-anyos na sa loob ng kanyang bahay sa  Tondo, Maynila.

Hinihinalang may isa hanggang dalawang  oras nang nakabitin ang  biktimang si Felix Yu, ng Alvarado Extn., sa Tondo nang ito ay matagpuan dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng kanilang kuwarto.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si    Grace Catamora malimit umanong idinadaing ng una ang kakapusan sa pananalapi para  sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Napag-alaman pa kay Catamora na madalas din umanong nababanggit ng biktima ang planong pagpapakamatay  dahil hindi na umano nito makayanan ang  hirap at problema sa pinansiyal.

Show comments