^

Metro

Driver todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila hindi masawata ng Caloocan City Police ang “riding-in-tandem” makaraang muling sumalakay at pagbabarilin hanggang mapatay ang isang tsuper, kamaka­lawa ng madaling-araw.

Bagama’t naisugod pa sa Tondo General Hospital, nalagutan din ng hininga si Romel Leonud, 39, tricycle driver, ng Dagat-Dagatan Ave., ng naturang lungsod.

Nadakip naman si Jeffrey Monreal, 39 ng Phase 2, Longos, Malabon City habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, alas-5:40 ng madaling-araw habang nag-aabang ng pasahero ang biktima malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at paulanan ng bala ang una. Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo.

Masuwerte namang isa sa mga nakasaksi ang nakakilala sa suspek na si Monreal sanhi upang maaresto ito sa ikinasang follow-up operation ng pulisya. Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador ang motibo ng naturang pamamaslang.

 

vuukle comment

BAGAMA

CALOOCAN CITY POLICE

DAGAT-DAGATAN AVE

JEFFREY MONREAL

LONGOS

MABILIS

MALABON CITY

ROMEL LEONUD

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with