Lalaki lumundag mula sa MRT station

MANILA, Philippines – Isang lalaking hinihinalang wala sa tamang pag-iisip ang tumalon mula sa istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa GMA Kamuning ngayong Lunes.

Ayon sa isang ulat sa radyo, nakilala ang lalaki na si Cristobal Delia na tumalon bandang alas-9 ng umaga mula sa ikalawang palapag ng hagdanan ng istasyon.

Bumagsak sa outer lane ng EDSA ang biktima na nagtamo ng bali sa kanang kamay.

Kaagad naman rumesponde ang mga awtoridad at isinugod sa East Ave Medical Center ang biktima.

Hinala ng mga awtoridad ay problema sa pag-iisip si Delia.

Show comments