Obrero hulog sa bubong, lasog

MANILA, Philippines - Isang obrero ang nasawi makaraang mahulog mula sa bubungan ng isang warehouse na kanilang tinatapalan ng butas sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Arturo Tyquico, 58, ay agad na nasawi matapos ang pagkakahulog sa tinatayang may 10 talampakan taas ng bubungan, ayon kay SPO2 Jimmy Jimena, may-hawak ng kaso.

Nangyari ang insidente sa may Richardsons warehouse na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod.

Ayon sa kasamahan ng biktimang si Isidro Fer­nandez, naglalagay sila ng sealant sa bubong nang marinig nila ang malakas na kalabog. Nang kanilang tignan ay saka bumulaga sa kanila ang biktima na nakahandusay at wala nang buhay. Sa bubungan ay may na­kita din umano ang kasamahan ng biktima na butas sa isang parte ng bubong na maa­aring natapakan ng biktima kung kaya siya lumusot at mahulog.

Show comments