Kasambahay lasog sa tren

Lasog ang isang kasambahay na nakilalang si Doneza de Guzman makaraang mahagip at makaladkad ng tren ng PNR sa Sta. Mesa, Maynila. (Kuha ni EDD GUMBAN)

MANILA, Philippines - Patay ang isang 37-anyos na kasambahay nang mahagip  at makaladkad ng ilang metro ng dumaraang tren  sa  Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktima na si Doneza de Guzman, tubong Bicol at stay-in housemaid sa bahay ng isang Elvira Dimasacay sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Rey Fernandez ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-  9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa riles ng Philippine National Railways (PNR) malapit  sa PNR-Sta Mesa Station.

Inutusan umano ang nasabing biktima para mamalengke  at nang papatawid sa may riles ay nahagip ng tren  na papuntang Alabang at may body number (MSCE 937).

Sinabi naman ng isang Rodel Hernandez, mukhang tulala o may malalim na iniisip ang biktima nang maganap ang trahedya.

 

Show comments