Sa araw na ito color coding hindi suspendido

MANILA, Philippines - Hindi suspendido  ang number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw kaalinsabay ng ika-28 na taong pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution.

Ito ang naging hakbang ng MMDA matapos na maunang ihayag ng Malacañang na hindi suspendido ang pasok sa mga opisina sa gobyerno at pribado at ang tanging suspendido lamang ay pasok ng mga estudyante sa lahat ng level.

Dahil dito, ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa numerong 3 & 4 ay bawal na lumabas sa mga pangunahing lansangan.

Magugunitang, awtomatikong suspendido ang number coding sa mga araw na deklaradong holiday.

Show comments