Mister nagbigtidahil sa kahirapan

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang kahirapan sa buhay ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kama­tayan ang 41-anyos na mister matapos itong magbigti kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Noli Manga­lallan ng Rose Street sa Baesa ng nasabing lungsod­.

Sa imbestigasyon ni P03 Rommel Bautista ng Caloocan City PNP,  bandang alas-7 ng gabi nang madiskubre ng ka-live-in na si Shiela May Dela Cruz, ang biktimang nakabitin sa kanilang bahay.

Agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Dela Cruz kung saan naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay.

Naunang nagtangkang magbigti ng biktima noong December 2013 dahil sa kakulangan sa pera na pang suporta sa pamilya lalo na sa kinakasama nito na walong buwan buntis.

Show comments