Deniece nandigan sa tangkang rape

MANILA, Philippines - Lumutang na rin at nagsa­lita na sina Cedric Lee at Deniece Cornejo tungkol sa isyu ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

Sa isang interview ng ABS-CBN news nanindigan si Cornejo na totoo ang tangkang panghahalay sa kanya ni Vhong Navarro.

Binanggit pa nito na siya ang biktima at hindi ang aktor.

Sinabi naman ni Lee, na nagpunta sila sa condo ni Deniece kasama pa ang kapatid niyang babae dahil sa lalabas sila ng gabing yon at doon nga nadatnan nila si Vhong na nakakubabaw mismo sa pumapalag na si Deniece.

“Ang instinct ko, I grabbed him from the back saka hinila ko pababa sa kama.. Si Deniece ay tumakbo sa sister ko at inilabas na siya sa condo unit. Naiwan dun sa condo, ako at yung lalaki na di ko pa kilala ay si Vhong”, ayon pa kay Lee.

Hindi nito itinanggi na bi­nugbog nila si Vhong. Ito ay dahil sa manlaban ito at tumangging madala sa pulisya.

 

Show comments