^

Metro

Ret. US Navy iniwan ng GF nanghostage

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa labis na depresyon, matapos na iwan ng kanyang kasintahan, isang retired US Navy ang nanghostage ng isang kahera sa isang apartelle sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ang hostage-drama na tumagal ng halos tatlong oras ay nagwakas ng mapayapa makaraang mapasuko ang dayuhang hostage taker na si Robert Mark Stasaitis, 57, at  tubong Oregon­ USA ng kanyang kaibigang babae na si Emilyn Lacar. Nailigtas ng mga operatiba ng Quezon City Police District station 10 ang hinostage na kahera na si Alma Cordero at binigyan ng stress debriefing dahil sa dinanas nitong trauma.

Sa ulat, nangyari ang pangho-hostage ganap na alas-2:15 ng hapon sa may Paradise apartelle na matatagpuan sa Timog Ave., Bgy. South Triangle. Diumano, pagpasok ng dayuhan sa ikalawang palapag ng apartelle, partikular sa counter ay bigla na lamang hinatak nito si Cordero saka ginawang hostage, gamit ang kutsilyo na itinutok sa leeg ng huli.

Sinasabi ng kakilala ng dayuhan, nanunuluyan umano si Stasaitis sa isang condominium sa Ilumina sa Sta. Mesa Manila at naging problemado umano ito matapos na hiwalayan ng kanyang Filipinang girlfriend, kung kaya idinaan na nito sa pag-inom ng alak.

“Ang lumabas kasi ay niloko siya ng syota niya, pati nga mga passport niya nasa babae. Sinabi nga namin sa kanya na kapag wala na talagang mangyayari, umuwi na lang siya sa bansa niya,” sabi pa ng isang kaibigang babae na ayaw magpanggit ang pangalan.

Una ay may ibinigay ng sulat ang dayuhan na nakasaad na gusto na nitong magpakamatay kung hindi matatawagan at makakausap niya ang kanyang syota, habang hostage ang kahera.

Dito na nagsipagdatingan na ang tropa ng QCPD Station 10 sa pamumuno ni Supt. Lemuel Obon at mga tropa ng Special Action Team na nagsasagawa ng negosasyon sa dayuhan. Makalipas ang dalawang oras, hiniling ng dayuhan na maka­usap ang kanyang kaibigang si Emilyn Lacar na taga Sta. Mesa na agad namang ipinatawag ng awtoridad.

Pagdating ni Lacar ay saka pinalapit sa dayuhan at sini­mulan ang negosasyon, hanggang sa makalipas ang alas-5 ng hapon ay kusa ding sumuko ang huli at sumama sa kanyang kaibigan.

Nabatid pa na overstaying allien na ang dayuhan sa bansa at nakatakdang bumalik sa kanyang bansa sa January 14, taong kasalukuyan.

Nasa pangangalaga ngayon ng PS10 ang dayuhan habang isinasagawa ang pagsisiyasat ukol dito.

 

vuukle comment

ALMA CORDERO

DAYUHAN

EMILYN LACAR

KANYANG

LEMUEL OBON

MESA MANILA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROBERT MARK STASAITIS

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with