Holiday sa Pista ng Nazareno, lumusot sa konseho ng Maynila
MANILA, Philippines - Lumusot sa unang pagbasa sa City Council ng Maynila ang panukalang ordinansa na nagmumungkahing ideklara bilang special holiday sa lungsod ang ika-9 ng EneroÂ, araw ng Pista ng Itim na Nazareno.
Batay sa iniakda ni Manila Councilor Don Juan “DJ†Bagatsing, ang namumuno ng Committee on Tourism, ang Pista ng Itim na Nazareno ay ang isa sa pinakamalaking religious procession na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto.
Karaniwan na rin aniya na inaabot ng buong araw bago tuluyang matapos ang prusisyon at maibalik ang Poon sa loob ng Simbahan ng Quiapo.
Dahil dito, naniniwala si Bagatsing na makabubuÂting ideklara bilang local holiday ang Kapistahan ng Itim na Nazareno nang sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto ng mas magandang pagkakataon para makiisa sa sagradong tradisyon.
Sa ganitong paraan din aniya ay hindi na rin mai-stranded o maiipit ang mga estudyante at mga empleyado na maaapektuhan ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dulot ng pag-usad ng prusisyon.
- Latest