2 nabagsakan ng pader, tigok

MANILA, Philippines - Dalawang vendor ang binawian ng buhay matapos mabagsakan ng bumigay na bahagi ng isang gusali sa Paco, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Delia Babon, 47, ng Pateros  at Simplicia Sister, 58. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente.

Bumagsak ang konkretong bahagi ng ikalimang palapag ng RAQ building sa isang tiangge, sa kahabaan ng Paz St. tapat ng Paco Catholic School. Kalalabas lamang ni Babon sa isang fastfood chain matapos kumain nang nag­ka­taong sumapol ang bumagsak na bahagi ng gusali.
Nasa pitong talampakan ang haba ng bumagsak na konkreto at may lapad na dalawang talampakan. 

Sumabit pa sa kawad ng kuryente ang isa pang bahagi nito kung saan nabagsakan din ang vendor na si Sister.

Hinihintay naman ng mga awtoridad ang  kinatawan ng  may-ari ng gusali sa lugar.

Show comments