Pintor utas sa boga

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na pintor ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin ma­tapos na bumaba ng kanilang bahay makaraang kumain ng hapunan, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang kinilalang si Jul Damil, residente ng Tuazon St., Malate, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Road 1, F. Muñoz St., Singalong, Malate, Maynila­.

Sa pahayag ng misis nito na si Lolita Damil, 38, nagma­madaling kumain umano ang biktima at nagpaalam ito habang sila ay magkasalo sa hapunan na may pupuntahan sa Meding St., na nag­ngangalang “Aweng”.

Nagulat na lamang si Lo­lita nang hindi pa nagtatagal ay may nagbalita sa kanya na nabaril ang kanyang mister kaya sumugod sa lugar.

Sa imbestigasyon, nagla­lakad umano ang biktima nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang gunman at walang sabi-sabing pinaputukan ito nang mala­pitan  sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Patuloy pa rin ang isinasa­gawang imbestigahan sa kaso.

Show comments