Killer ng ex-vice mayor at misis nito, timbog

MANILA, Philippines - Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pumatay sa mag-asawang sina dating Pangasinan Vice Mayor Ramon Arcinue, misis na barangay chairwoman Zorahayda nang mahuli ito noong Lunes, sa isang entrapment operation sa General Santos City.

Ang suspect na si Guialaludin Otto, alyas “Boy Muslim” na may  patong na P1 milyon  sa ulo ay sinasabing kilalang hired killer sa lalawigan ng Pangasinan batay sa mga nakalap na record nina NBI-NCR Assistant Regional Director Vicente de Guzman at  Agent Eduardo Ramos Jr.

Matatandaang ang mag-asawang Arcinue ay dumalaw lamang sa kanilang anak na nanunuluyan sa apartment sa Sampaloc, Maynila noong  Marso 7, 2012 nang sila ay pagbabarilin.

Unang nasawi  si  Ramon at hindi nagtagal ay binawian din ng buhay si Zorahayda sa UST Hospital.

Si Otto rin ang itinuturong bumaril umano kay  PAO chief Dante Untalan Jr.. sa San Carlos, Pangasinan.

Show comments