Mister kinalasan ng misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Nagpakamatay ang 48-anyos na mister na si­na­sabing kinalasan ng  misis makaraang magbigti sa kanilang bahay sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nagawang ma­isugod sa pagamutan ang biktimang si Joselito, da­ting naninirahan sa #414 Leo Street, Purok I, Block 3, Bayanan, Muntinlupa City.

Sa ulat ng Muntinlupa Police-Criminal Investigation Section, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng utol na si Noel ang pagpapa­tiwakal ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Sinabi ni Noel na napansin niyang nakaawang ang pinto ng kuwarto ng biktima kaya nagtaka siya dahil sa hindi ito gawain  ng kapatid. 

Nang silipin niya ang loob ng kuwarto, dito na nakita ang kapatid na naka­bigti gamit ang lubid kung saan nagmamadali naman itong humingi  ng tulong sa iba pang kapatid.

Nabatid naman na bago ang pagpapatiwakal, nakipag-inuman muna ang biktima sa ilang kaanak at nang malango ay naibulalas nito ang hinanakit sa kanyang misis na humi­walay sa kanya noong 2012 kung saan nawasak ang kanyang pamilya.

 

Show comments