Night market gagawing tourist spot

MANILA, Philippines - Plano ng  pamahalaang lungsod ng Maynila na ga­wing tourist spot ang night market na ngayon ay isinasaka­tuparan sa pamumuno nina Manila Mayor Joseph Estrada­ at Vice Mayor Isko Moreno. Ayon kay Moreno, sasailalim sa limang araw na expe­rimental ang  night market upang malaman­ ang dapat na gawing mga sistema upang mapagbigyang makapag­tinda ang mga residente ng Maynila.

Aniya, nais ni Estrada na gawing tourist spot ang  night market sa Divisoria tulad sa Bangkok kung saan mas lalaki ang kikitain ng mga vendor. Aayusin din ang  hanay ng mga vendor kung saan may wet and dry section gayundin ang mga kainan. Tiniyak din ni Moreno ang  seguridad at maayos na daloy ng mga mamimili. Kaila­ngan aniyang pairalin ang disiplina para sa ikauunlad ng  Maynila.

Show comments