Kelot na na-stroke, tumungga ng lason

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos itong tumungga ng lason dahil sa hindi nito makayanang sakit na-stroke  kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Fer­nando Pamatian, 48, ng Camus St., Ibaba ng naturang  lungsod­.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-6:00 ng gabi, nakita na lang  ng kanyang mga kaanak ang biktima na bumubula ang bibig at namimilipit na na­ging dahilan upang dalhin ito sa naturang pagamutan.

Nakita rin ang isang  baso, na pinaniniwalaang may lamang lason  sa tabi ng biktima na sinasabing tinungga  nito.

Nabatid na parating nag­rereklamo sa kanyang buhay ang biktima at nawawalan na ito ng pag-asang  gumaling matapos ma-stroke.

Sa kabila nito ay iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung lason nga ang laman ng basong nilagok ni Pamatian na naging sanhi ng kamatayan nito.

Show comments