Caretaker patay sa tarak

MANILA, Philippines - Patay sa tatlong saksak  ang isang 55-anyos na caretaker sa loob ng barracks ng pinapasukang kompanya sa  Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Ver”, may taas na 5’4’’ hanggang 5’5’’, at caretaker ng Commodity Transport Corporation, Simon Enterprises na matatagpuan sa Lubiran St.,Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Kuwento ng kasamahan sa trabaho ng nasawi na si Dexter Madrona, nagpapahinga sila sa barracks nang marinig na humihingi ng saklolo ang biktima kaya tinungo nila ng mga kasamahan at doon tumambad na may nakatarak pang kut­silyo sa dibdib nito at duguan.

“May tatlong saksak sa katawan pero pinaka-fatal e yung sa dibdib naiwan pa nga sa dibdib, yung talim hindi na sumama pagbunot, nakainom kasi itong biktima. Walang makapagsabi kung sino ang tumira, pero ang sabi, metikuloso raw ito gusto palaging malinis yong paligid niya, caretaker kasi siya dun,” ayon sa pulisya.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang posibleng sangkot sa krimen. (with trainees Pinky de Leon at Jamille Obcena)

 

Show comments