Sinita dahil sa pag-ihi, pulis namaril

MANILA, Philippines - Isang pulis-Maynila ang pinaghahanap matapos na  barilin ang isang 56-anyos na lalaki na sumita sa una sa pag-ihi   sa loob ng  garahe ng huli sa  Tondo, Maynila.

Ginagamot ngayon sa ospital ang biktimang si Abraham Guevarra ng   Canal Dela Reina St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa kaliwang kamay.

Itinurong suspect ang isang PO1 Alberto Santos na residente ng Pavia St., Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni PO3 Gilbert Isole ng MPD-Ge­neral Assignment Section (GAS), dakong alas-11:45 ng gabi nang naganap ang insi­dente sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa salaysay ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang napansin na  pumasok ang suspect sa kanilang garahe at doon umihi.

Lumabas ang biktima at sinita ang suspect na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ito ng  baril at ipinutok sa biktima.

Matapos ang pa­ma­maril ay tumakas ang sus­ pect dala ang ginamit na baril.

Show comments