Kelot ginulpi ng gang, dedo

MANILA, Philippines - Napagtripang gulpihin at mapatay ang 26-anyos na kelot sa isa na namang karahasang naganap sa kahabaan ng Mayon St. sa panu­lukan ng Del Monte Avenue, Brgy. Ma­harlika, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Marvin Manalo, na­isugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical subalit idineklarang patay ang biktimang si Jeffrey Milaflores.

Samantala, pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na hawak na ng pulisya habang patuloy naman ang follow-up operation para masakote ang iba pang suspek.

Base sa police report, pauwi na ang biktima mula sa videoke bar nang harangin at pagtulungang gulpihin ng grupo ng kabataang lalaki.

Hindi pa nakuntento, binagsakan pa ng malaking tipak ng bato ang ulo ng biktima bago tuluyang nagsitakas

Show comments