Lasing nagpapansin, umakyat sa poste, patay sa kuryente

MANILA, Philippines - Isang lasing na nais magpapansin ang umakyat ng poste subalit minalas na masabit sa nakalaylay na kawad ng kur­yente na ikinasawi nito sa Quiapo, Maynila, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ariel Albano, 46, helper, residente ng Evangelista St., Quiapo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rommel del Rosario, ng MPD, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa naturang lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon sa mga nakaka­kilala sa nasawi na kapag lasing umano ito ay mahilig mag­­lalakad at magpasikat sa kalsada at kahapon ay nagulat sila kung bakit naisipang umakyat sa poste at hindi nagtagal ay biglang nalaglag makaraang madikit sa isang kawad ng kur­yente na naging dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

 

Show comments