Biyuda timbog sa deodorant

MANILA, Philippines - Isang biyuda ang arestado nang magpuslit ito ng deodorant sa isang supermarket sa Ca­loocan City kahapon  ng tanghali. Nahaharap sa kasong theft ang suspect na  si Jane Ramos, 57, ng A. Mabini St., Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-12:40 ng tanghali, pumasok ang suspect sa Novo Supermarket, na matatagpuan sa Rizal Avenue Extension, ng naturang lungsod at nagkunwaring costumer. Paglabas ng suspect ay sinita ito  ng guwardiyang si Jacquelyn Balauitan  matapos mapansin na hindi dumaan ito  sa counter ang biyuda.

Nang tingnan ang dalang plastic bag ng suspect ay nakita ang aabot sa 177 piraso ng iba’t ibang klase ng deodorant ay hinanapan ito ng resibo, subalit walang naipakita na naging dahilan upang dalhin ito sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.

Show comments