42-anyos kritikal sa tarak ni utol

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalaga­yan ang isang 42-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Cen­ter ang biktimang si Ronald Caseja, nakatira sa Tuna St., ng naturang lungsod, sanhi ng mga saksak na tinamo sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang nakababatang kapatid ng biktima na si Allison, 18-anyos.

Ayon sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng bahay ng magkapatid sa nabanggit na lugar.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hang­­gang sa kumuha ng patalim ang suspect at pinagsasaksak nito ang kanyang kuya.

Dahil sa insidente ay mabilis na dinala ang biktima sa ospital at ang suspect naman ay mabilis na tumakas.

Iniimbestigahan pa ng pu­­lisya kung ano ang dahilan ng naging pagtatalo ng magka­patid.

Show comments